one small girl

sweet as a eucalyptus, terrible as a tempest

About Me

User: onesmallgirl

  • Contact me
  • My profile
  • Linkme

Links

Counter

visited *loading* times

Thursday, 16 November 2006
pasensya na

nakialam ka na naman.
hindi mo mapigil. nakalunok ka kasi ng auto-correct feature sa sistema mo diba?
kaya hindi mo na trabaho, nangialam ka na naman.
okay, hindi ka nakialam. nagbigay ka lang ng feedback.

pasensya na sa sumalo ng trabahong iniwanan ko.
alam kong allergic ka diyan at nahihirapan kang gawin.
pero alam mo, mahal ko iyang column natin.
kung maaari lang na kunin ko iyon, eh kukunin ko talaga iyon. pero hindi.

ang kaso, column iyon eh. nababasa siya sa pahayagang dinidistribute sa buong bansa.
maganda naman ang topic na napili mo. kaso, halatang-halatang kulang ka sa pananaliksik at kaalaman tungkol dito.
responsibilidad natin (mo na ngayon) ang magpalaganap ng tamang kaalaman sa publiko sa pamamagitan ng pagsusulat. gaano man kaliit ang inaccuracy, bawal. lalo na sa napakahirap na topic. isang topic na hindi naiintindihan ng karaniwang tao. maski nga di-pangkaraniwang tao nahihirapan unawain ito. ang sinulat mo ay hindi nakakapagbigay ng tamang impormasyon. bagkus, ito ay lalong nakakapagpalabo sa isang mahirap na usapin. nakakagulo. nakakalito.

yung sinabi ko sayo, ay sobrang sobrang banayad sa totoong saloobin ko. gusto ko talagang himayin ang artikulong sinulat mo. kung ano ang hindi na dapat kasali. kung alin ang walang kinalaman sa topic. kung ano ang maling impormasyon. pero wala na akong karapatan gawin iyan ngayon.

ang masama pa nito, sabi mo pina-check mo siya dun sa isang empleyado nung ahesiyang dalubhasa sa topic na napili mo. ang kaso, bago siya. hindi lang sa bago, mukhang hindi pa responsableng empleyado. ilang reklamo na ang narinig ko tungkol sa kanya. sa pagpapasa niya ng trabaho sa ibang tao na dapat ay sa kanya. sa pagpapaliban ng trabaho hanggang sa pinakahuling sandali.

tapos siya ang kinonsulta mo?!?!?! 

naiinis ako! nalulungkot! ang pinakaayaw ko sa lahat na mababasa ay yung mga artikulong may maling impormasyon! hindi mo na mababawi iyan eh.

ewan. pakiramdam ko wala akong karapatan ilabas maski itong saloobin na ganito. hindi naman sa nagmamagaling ako. o nagmamataas. nagpapaka-righteous. iniisip ko, isa ba itong katangahan? naging ganyan ba ako katanga? ang sagot ay hindi. tanga ako. pero hindi pabaya. kahit kailan hindi ako naging pabaya sa nilalaman ng mga sinulat ko.

sana naman, bago ka sumulat ulit, siguraduhin mo ang laman.

posted by: onesmallgirl at 17:48 | link | comments (2) |


Comments:
#1  16 November 2006 - 17:57
 
woohoo!!! si rose nagta-tagalog entry na!!! wahehe. ano na ang nangyayari sa mundo?!? ang mga coño nagsisimula na ulit magtagalog?!

-kurokuroko
Anonymous
#2  18 November 2006 - 19:28
 
oi. sinapian ka ba ha? di ko maintindihan yung post mo. :p
Anonymous
Comments: